Poem: Orasan
- recibioangel6
- Jan 6, 2022
- 1 min read
𝗢𝗥𝗔𝗦𝗔𝗡
by: angelythe_06
(I will post it on my wattpad and wix account)Â Â Â Â Â
    Bawat sandaling dumadaan
    Luha'y pilit na pinipigilan
    Mapaglarong tadhana'y gustong takasan
    Ngunit walang magawa dahil ito ang kapalaran
   Bakit ba kailangan may katapusan?
   Wala bang paraan upang pigilan ang orasan?
   Ang oras ay sadyang madaya at mapaglinlang
   Sa tuwing kasama ka'y nauubos ng biglaan
   Ang bagal ng oras kapag may hinihintay ka
   Mabilis kapag napapagod at gustong mag pahinga
   Gustuhin mo mang lumaban gamit ang lahat ng malalakas na sandata
   Ngunit wala paring nakakatalo sa tulis ng mga kamay Niya.
   Kung maaari lang na pigilan ang mga kamay ng orasan
   Kung maaari lang na balikan ang mga nag daan
   Ngunit kinapos tayo sa oras dahil sa hindi tamang pagmamahalan
   Na tanging orasan ang nakaka alam kung kailan ito maaaring tuldukan.
#moodchallenge
#angelyhte_06
Any copywrites must be credited @angelythe_06 on wattpad & @Angel_Weites on facebook

Comments